Recursion

Ang isang eksepsyon sa sandboxing ay ang recursion: pinahihintulutan ang pag-access sa endpoint ng ord’s /content, na nagdudulot sa mga inskripsiyon na ma-access ang nilalaman ng iba pang mga inskripsiyon sa pamamagitan ng paggamit ng /content/<INSCRIPTION_ID>.

Ito ay nagdudulot ng magagandang use-cases:

  • Paggamit sa mga existing na inskripsyon.

  • Pag-publish ng mga snippet ng code, mga larawan, audio, o mga stylesheet bilang pampublikong resources.

  • Mga generative na koleksyon kung saan ang isang algorithm ay nakalagay bilang JavaScript, na nag awtomatiko sa pag-create ng maraming inskripsyon na may kanya-kanyang katangian.

  • Mga generative na koleksyon ng profile picture kung saan ang mga accessory at attribute ay naka-inscribe bilang mga indibidwal na larawan, o sa isang shared texture atlas, at pagkatapos ay pinagsama, parang collage, na may kanya kanyang combinasyon.

Ang ilan pang mga endpoint na maaaring ma-access ng mga inskripsiyon ay ang mga sumusunod:

  • /blockheight: pinakabagong block height.
  • /blockhash: pinakabagong block hash.
  • /blockhash/<HEIGHT>: block hash sa ibinigay na block height.
  • /blocktime: UNIX time stamp ng pinakabagong block.